Pamilya ng napaslang na dalawang pulis at PDEA agent, tatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pampanga Provincial Government

Magbibigay ng tulong pinansyal ang Pampanga Provincial Peace and Order Council sa sa pamilya ng napaslang na dalawang pulis at PDEA agent habang ginagampanan ang tungkulin.

Ayon kay Pampanga Governor Dennis Pineda na sya ring tumatayong chairman ng Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council, nasa tig-100 thousand pesos ang ibibigay sa naiwang pamilya nina Police Staff Master Sergeant Sofronio Capitle Jr. at Police Staff Sergeant Dominador Gacusa Jr, at ni PDEA agent Daniel Discaya.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station
Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Matatandaang nitong Sabado ng madaling araw nang pagbabarilin ang dalawang pulis, habang noong October 21 naman napaslang ang PDEA agent na si Discaya.

Pawang sa Mabalacat city napatay ang mga nabanggit na biktima.