PAMCHAM, suportado ang pagsasailalim ng Pampanga sa alert level 3

Suportado ng Pampanga Chamber of Commerce and Industry Inc. o PAMCHAM ang desisyon ng Inter-agency Task Force o IATF, sa hakbang na isailalim sa Alert Level 3 ang lalawigan ng Pampanga.

Sa inalabas na pahayag ng PAMCHAM, nananawagan sila sa kanilang mga myembro na protektahan ang kanilang mga empleyado at maging ang mga customers laban sa COVID-19, sa pamamagitan ng pag sunod sa mga basic health protocol.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Naniniwala rin ang PamCham na sa pamamagitan ng kanilang sakripisyo at pag suporta sa pamahalaang panlalawigan, makakabangon muli ang ekonomiya ng Pampanga at maiiwasan ang pagkakaroon muli ng “economic downturn”.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Maaalalang dahil sa pag sipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan, nasa ilalim na ngayon ng alert level 3 ang Pampanga, kasama ang Angeles city.