LEGAZPI CITY – Nagpaabot ng 50 tonelada ng pagkain at gamot ang pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) bilang donasyon para sa mga inilikas sa lalawigan ang Albay kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ilan sa mga laman nito ay bigas, mantika, harina, asukal, at gatas kung saan dumating na ito kahapon sa lalawigan.
Sa isinagawang Press Briefing sa Governor’s House sa Albay, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchallian na hindi lamang umano ito ang ibibigay na tulong ng pamahalaan kundi may mga susunod pa.
Sa ngayon, inaasahang ipapamahagi ito sa mga inilikas, sa tulong ng mga lokal na gobyerno.