Palestinians at Israeli police nagkasagupa, tensiyon muling sumiklab sa Jerusalem

Muling sumiklab ang tension sa Jerusalem na hindi naramdaman sa loob ng maraming taon matapos ang sagupaan ng mga Palestinians at Israeli police na nagresulta sa pagkaksugat ng daan-daan.

Ayon sa report nagpakawala ng airstrikes sa Gaza ang Israel Defense Forces bilang tugon sa mga rocket launches na ginawa sa southern at central Israel.

Read More:  Brazil fines TikTok $30-M over alleged failure to protect minors

Kaugnay nito ay inihayag ng Palestinian Ministry of Health na nagresulta sa pagkamatay ng 9 na tao kabilang ang ilang batata sa Gaza ang ginawang strike ng Israeli.

Read More:  Death Toll from Nepal-Tibet flash floods rises to at least 160; Hundreds missing

Tiniyak naman ng Israeli army na iniimbestigahan na nila ang nasabing insidente.

Samantala, inako naman ng Hamas Palestinian militant group ang unang rocket attack. Kinumpirma din ng Israeli military na 85 rockets ang pinakawalan mula sa Gaza.