Palasyo, positibo sa ‘mask-less’ Christmas

Positibo ang Malacañang na maipagdiriwang na ng Pilipinas ang Pasko ngayong taon nang hindi na kailangang magsuot ng face masks.

Una nang sinabi ni molecular biologist Nicanor Austriaco Jr., ang containment sa virus ay maaring makamit sa Oktubre, habang ang herd immunity ay posible naman sa Nobyembre kung maisasagawa ang 250,000 vaccinations araw-araw sa NCR Plus 8.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ang NCR Plus 8 ay kinabibilangan ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.

Paliwanag ni Austriaco, ang containment ng COVID-19 ay makakamit kung 40 hanggang 50 percent ng populasyon ay mababakunahan habang ang herd immunity ay makakamit sa pamamagitan ng pagbabakuna sa 70 hanggang 80 percent ng populasyon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa gitna nito, naniniwala rin si Austriaco na makakamit ang containment basta’t makakakuha ang Pilipinas ng steady supply ng bakuna. // MHEL PACIA-TRINIDAD