Palasyo, pinaghahanda ng govt para sa full implementation ng Nat’l ID system

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang na sa mga local government units, na maghanda para sa pagpapatupad ng National ID system.

Ito ay sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 95 na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang February 8.

Ang Philippine Identification System (PhilSys) ay magsisilbing database para sa mga citizens at resident aliens ng bansa, na inaasahang makakatulong para sa tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo, magpapaganda sa efficiency, transparency at targeted delivery ng public social services, at mag-eenhance ng administrative governance, magpapabawas ng korapsyon, bureaucratic red-tape, maghaharang sa mga fraudulent transactions, magpapalakas sa financial inclusion, at magpo-promote ng ease of doing business.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Nakasaad sa memo na kailangan ang agarang direct whole-of-government na gagawa ng preparatory steps para matiyak na ang PhilSys at ang mga key components nito ay maayos na maisasama sa processes, databases, systems at services ng lahat ng ahensya ng gobyerno, para sa mas convenient at cost-efficient na transaksyon sa gobyerno ng general public.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa kabila nito, nakasaad rin na hindi saklaw sa PhilSys integration ang pagbibigay ng access sa mga ahensya sa PhilSys Registry. //MHEL PACIA-TRINIDAD