Palasyo, may hamon sa mga bagong-proklamang mga senador

Umaasa ang Palasyo sa mga magiging hakbang ng mga bagong talagang Senador partikular na ang mga ibabalangkas nitong batas sa ikabubuti ng mga mamamayang Pilipino.

Ito ang naging hamon ni acting Presidential Spokesperson Secretary Martin Andanar sa mga ipinroklamang labing dalawang senador kahapon kung saan – ang ilan ay mga bagitong mambabatas, habang ang iba nama’y mga nag-renew lang ng kanilang termino, ‘o di kaya nama’y nanggaling sa ibang government position.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Ayon kay Andanar, panahon na para mag-trabaho nang maigi ang mga senador para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kailangan aniyang umusad na ang mga ito matapos ang mainit na panahon ng kampanyahan para magampanan na ang kani-kanilang mga mandato at tungkulin sa Republika.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Inaasahan ni Andanar na magkakaisa ang mga senador para sa pagbalangkas ng mga makabuluhang mga panukala.

Bago ito, una nang sinabi ng Palasyo na nakikita nila ang ‘sense of hope at optimism’ sa mga bagong halal na senador.
#