Palasyo hinimok ang publiko na huwag mamili ng brand ng COVID-19 vaccines

Umapela ang Malakanyang sa publiko na huwag nang mamili ng brand ng bakuna sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Karlo Alexie Nograles dapat wala nang brand preference sa mga bakuna dahil lahat naman ng ito ay ligtas at epektibo.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Kasabay nito tiniyak ni Nograles na kahit tapos ang ang tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan campaign ay tuloy-tuloy ang pina-igting na vaccination program sa bansa.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Kinumpirma din nito na ikinakasa na ang ikalawang bugso ng Nationwide vaccination drive.

Ayon kay Nograles may mga improvement at mga pgababago silang isasagawa sa 2nd round ng Bayanihan, bakunahan campaign na nakatakdang isagawa sa kalagitnaan ng Disyembre.