Pagtitinda ng mga tingi-tinging paputok kung saan-saan sa Naga City, mahigpit na ipinagbabawal – NCPM

NAGA CITY – Ngayon palang ay mahigpit nang ipinagbabawal ng Naga City People’s Mall ang pabebenta ng mga tingi-tinging paputok kung saan-saan sa lungsod ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Ramon Florendo, Market Superintendent.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kung saan maging ang pagpapa-apply nila sa mga magtitinda ng mga paputok o pupwesto sa riverside ng NCPM sa lungsod ay hinihigpitan din at limitado lamang.

Hindi na rin aniya kasi pwedeng punuin lalo na nais rin nilang balansehin ang kapakanan ng mga nagtitinda at mga mamimili.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Nasa 34 na mga tindahan lamang noong 2021 ang nakapagtinda sa nasabing lugar, at sa ngayon nasa 30 na ang nakapag-apply kung saan sa Disyembre 23 na ang simula ng kanilang pagtitinda.