Pagtatanim ng Golden Rice sisimulan na  sa lalawigan ng Catanduanes

Legazpi City -Nakatakda ngayon linggo ang launching ng Golden Rice Program sa lalawigan ng Catanduanes ng Department of Agriculture – Philippine Rice (DA-PHILRICE) Bicol.

Ito ang inihayag sa press conference sa lungsod ng Legazpi ni Dr. Victoria Lapitan DA Director ng lungsod ng Ligao.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Emily Bordado, ang Regional Spokesperson ng nasabing tanggapan, sinabi nito, sisimulan na ng ahensya pagtatanim ng golden rice sa nasabing lalawigan.

Read More:  2 dead, 6 injured after pick-up truck hits vehicles, bystanders in Passi City

Isa kasi sa pitong pilot province na napili sa bansa para maging priority areas ng Golden Rice program. Sa Luzon area Quirino at Catanduanes lamang, Visayas, Antique at Western Samar habang sa Mindanao, Agusan Del Sur, Lanao Del Norte at Maguindanao.

Napili ang lalawigan ay dahil sa malaki ang problema sa malnutrisyon at isang rice surplus producing ang Probinsya ng Catanduanes.

Read More:  Nearly 700 topless violators recorded in Davao City in one week

Ang Golden Rice ay mayaman sa Vitamin A na matutugunan nito ang kakulangan sa Vitamin A na humahantong sa malnutrisyon.

Sinabi ni Lapitan na layunin nilang tiyakin ang availability, affordability, at accessibility ng ligtas at masustansyang bigas sa lahat ng Pilipino sa lahat ng oras.

Ang mga natukoy na kooperatiba ng magsasaka mula sa mga bayan ng Virac at Viga sa Catanduanes ay makakatanggap ng Golden Rice nang libre.