Pagtaas ng positivity rate sa NCR, hindi maiu-ugnay sa pagluluwag ng mask mandate-DOH

Nilinaw ng Department of Health na hindi pa rin mai-uugnay sa pagluluwag ng mask mandate ang naitalang bahagyang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa huli kasing ulat ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, tumaas ang bilang ng mga nagpopositibo sa NCR mula 12.7% sa 14.5%. Tumaas din umano ang health care utilization rate mula 36% sa 39%.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa Media Forum, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kailangan pa ang hanggang sa dalawang linggong obserbasyon para matukoy ang mga epekto ng liberalization ng mandatory wearing of face masks.

Sa kanila umanong datos, 16.4% ang positivity rate ng Metro Manila.

Posible umano itong epekto ng mataas na mobilization ng publiko lalo na’t nanumbalik na ang face-to-face classes.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Samanatala, kinumpirma ng Health official na 11 mula sa 17 mga lungsod sa NCR ay itinaas na sa moderate-case risk classificaiton.

Anim din sa NCR cities and municipality ang tumaas ang ward accommodation sa mga ospital.

Sa kabila nito, nananatili pa rin aniyang mababa sa 40% ang hospitalization.
#