Pagtaas ng daily COVID-19 case, hindi pa indikasyon ng surge – OCTA

Hindi pa nakikita ng OCTA research group ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 bilang indikasyon ng surge.

Ginawa ng grupo ang pahayag matapos maitala ang 690 na kaso kahapon na siyang pinakamataas sa loob ng isang buwan.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David hindi pa naman sila naalalarma sa pagtaas ng kaso subalit patuloy umano nilang binabantayan ang mga numero na may kaugnayan sa COVID-19.

Sa ngayon sinabi ni David na hindi pa nila maipaliwanag ang pagtaas ng bilang ng kaso pero duda silang dahil lamang ito sa backlog.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Bago maitala ang 690 na bagong kaso, sinabi ni David na nasa 400 na lamang ang average COVID-19 daily cases sa loob ng ilang linggo.