Pagsuspendi ng face to face classes, sa Naga City, nakadepende sa school heads

NAGA CITY – Nakadepende sa school heads  sa Naga City ang pagsuspendi ng face to face classes.

Sa ipinalabas na anusiyo ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, base sa Memorandum no. 114, series of 2024, item no. 3 ng Department of Education, ipinapa-ubaya o otorisado ang mga Principal na isuspendi ang on site classes at maaaring mag-shift sa Modular Distance learning o ibang pang learning modalities.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon kay City Administrator, Elmer Baldemoro, tumataas na ang heat index sa lungsod, kung saan apektado na ang mga mag-aaral lalo na ang mga nasa pampublikong paaralan dahil sa sobra nang init ng panahon bagay na paunang solusyon, na ma-iilift lamang depende na sa sitwasyon at ganda ng panahon, kung saan hindi lamang para sa mga guro at mga estudyante, maging ang City Disaster Risk Reduction and Management Office pinapaging handa.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Samantala, nag-1 day suspend na ng face to face classes ang San Isidro National High School, maging ang City of College of Naga, magsususpendi na rin.