Pagsibak kay SOF Diokno, ‘fake news!’ – PBBM

Pinasinungalingan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga balitang mayroong pagbabago sa kanyang economic team.

Ito ay makaraang kumalat ang bali-balitang papalitan na si Finance Secretary Ben Diokno ni Albay Rep. Joey Salceda.

Sa pagharap ni Marcos sa media matapos ang event sa Pasay City, sinabi niyang hindi niya alam kung saan nanggaling at hinugot ang tsismis na ito.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Tinawag niyang ‘fake news’ ang balita dahil naniniwala raw siyang nakapag-assemble siya ng magandang economic team.

Bago ito, una nang nilinaw nina Diokno at Salceda na walang katotohanan ang naturang balita.
#

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

READ MORE:

RELATED STORIES:

Finance Secretary Ben Diokno, pinabulaanan ang bali-balitang nagbitiw na ito sa puwesto

Albay Rep. Joey Salceda, itinanggi itatalaga siya bilang Finance Secretary