Pagsasagawa ng mga prusisyon at iba pang aktibidad sa Semana Santa, tinalakay

NAGA CITY – Tuloy na ang paghahanda ng local na pamahalaan ng Naga sa magiging mga aktibidad sa paparating na pagnunita ng Semana Santa ngayong taon, sa ilalim ng Alert level 1 classification.

Kahapon nagkaroon na ng coordination meeting ang mga parokya ng Naga, na dinaluhan ng ilang mga personahe ng Naga City Police Office (NCPO) , Public Safety Office (PSO) at ng City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO).

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Ito’y bahagi na rin ng pagtupad sa executive order na inilabas ni City Mayor Nelson Legacion na nagbibigay permiso sa foot processions .

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni San Francisco Punong Barangay Efren Nepomuceno na inaasahan na nila ang mahabang pila para makalapit sa imahe ni Hesus; Amang Nazareno man o Amang Hinulid.

Humingi narin sila ng police assistance para may mangalaga sa seguridad ng mga deboto.