Pagsasagawa ng joint patrols ng PH at US sa WPS  ‘on the table,’ na

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez  na mayroon nang seryosong talakayan sa pagitan ng Pilipinas at United States sa pagsasagawa ng joint patrols sa West Philippine Sea.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Ayon kay Romualdez , sa susunod na dalawang buwan ay mas marami umanong aktibidad kung ang defense cooperation sa US ang pag-uusapan.

Ayon naman kay US Ambassador MaryKay Carlson,  napakahalaga ang combined maritime activities para mapahusay ang seguridad ng bansa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa tingin aniya niya ang US ang makakatulong sa Pilipinas na kontrahin ang agresibong paninindigan ng China sa WPS.//CA