Pagresponde sa pag-alburoto ng Bulkang Taal; pondo sapat – Gov. Dodo

Batangas City -Tiniyak ng pamunuan ni Batangas Gov Dodo Mandanas ang kasapatan ng pondo sa pagresponde sa mga pangangailangan sa mga evacuation centers kung saan inilikas ang mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Gov Dodo, sapat ang pondo lalo na at maraming tumutulong sa pamaahalang panlalawigan upang makatawid sa mga pangangailangan ng Batanguenyo kahit na nasa gitna pa rin ng pandemya kasabay ng pag-aalboruto ng bulkang Taal.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Aniya malaki ang tulong na nagmumula sa national governmet, local goernment, mga pribado at international agencies gaya ng Red Cross, USAid na talaga aniyang tumtulong sa lalawigan.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Samantala, gagamitin na din ng pamahalaang panlaalwigan ng Batangas ang tinatayang nasa P100M na quick response fund para sa pangangailangan ng mga Batanguenyo dahilan sa nakaamba pa rin pagputok ng bulkang Taal.