Pagproseso ng mga reklamo, mas pinabilis na ng Commission on Human Rights

Patuloy ang pagsusulong ng Commission on Human Rights sa pagmomodernisa ng kanilang serbisyo.

Kaugnay nito, inilunsad ng CHR ang Management Information System Monitoring Outlet – isang online complaint at request portal para sa mga Pilipino.

Ayon kay CHR chairperson Richard Palpal-latoc, dahil sa launching ng CHR MISMO, nagkakaroon sila ng malaking hakbang sa pagmomodernisa at padi-digitalize ng kanilang mga serbisyo.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Aniya, dinisenyo ang platform upang mapabilis ang proseso, at maging maging mas accessible ang mga services ng ahensya sa lahat, lalo na sa mga disadvantaged at marginalized.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Sa sandaling maihain umano ang reklamo, otomatikong ipo-forward ng system ang complaint sa CHR offices para ma-review at maaksyonan ito.

Sa huli, tiniyak ng CHR ang kanilang commitment sa kanilang mandato upang protektahan at mapanatili ang karapatan ng lahat.