Pagpirma sa kasunduan hinggil sa itatayong solar project sa isabela, sinaksihan ni PBBM Sinaksihan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa Connection of Agreement para sa 440-mega watt peak Isabela Solar Project na isinagawa sa Isabela Provincial Capitol sa siyudad ng Ilagan.
Isinagawa ang paglagda sa pagitan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at San Ignacio Energy Resources Development Corporation (SIERDC) para sa ipapatayong Solar project.
Ang SIERDC ay isang joint venture sa pagitan ng Total Energies at Next north Holdings Corp. Pinondohan ang proyekto ng P18-Billion at maaari itong makalikha ng 440 gigawatt-hours gamit ang 700,000 solar panels kung saan mabebenepisyuhan nito ang dalawang milyong sambahayan.
Ipatatayo ito sa 392 na ektarya ng lupain sa lungsod ng Ilagan at Gamu na magsisimula ang konstruksyon sa huling bahagi ng 2024 at sisimulan ang operasyon sa second quarter ng 2026.
Makakapagbigay din ito ng trabaho sa higit 4,000 na Pilipino sa pagsisimula ng konstruksyon nito.
Enter
You sent
