Pansamantalang sinuspende ng Pilipinas ang pagpapatupad sa resolusyon na nagpapahintulot sa pagpasok ng fully vaccinated foreigners na may visa-free privileges, dahil sa bagong COVID variant.
Ayon kay presidential spokesperson Karlo Alexei Nograles ang Resolution 150-A na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-EID), ay nagpapahintulot sana sa pagpasok ng mga fully vaccinated territories, epektibo sa December 1.
Dahil dito, abangan nalang ulit ang mga susunod na development hinggil dito.

Una nang tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang Omicron bilang variant of concern, sa gitna na maraming mga bansa na ang nagkukumahog na mapigilan ito.
Sa ngayon, hindi pa malinaw ang pinagmulan ng variant, bagama’t unang nag-anunsyo ang South African scientists na nadiskubre nila ito noong November 25. //MHEL PACIA-TRINIDAD