Hindi na kakayanin ng global economy kung magpapatupad pa ng travel bans at lockdown kahit na umiiral pa ang pandemya ng COVID-19 ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kaniyang talumpati sa Asia-Pacific Economic Cooperation CEO Summit, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na palakasin pa ang global health system laban sa mga nakakahawang sakit.
Tiyak kasi ayon sa Pangulo na maaapektuhan ang recovery ng sektor ng turismo gayun na rin ang global market kung patuloy na ipatutupad ang mga hakbang na ito.

Isinulong rin ni Marcos ang patuloy na pamumuhunan sa pandemic preparedness upang matiyak ang global health resilience.
Nakikita rin solusyon ng Pangulo ang pag-adopt ng isang health approach para mapalakas ang health surveillance systems sa mga umuusbong na mga nakakahawang sakit katulad na lamang ng Covid-19. //MHEL PACIA