Pagpapataw ng parusa sa mga tiwaling pulis, pinatitiyak ni PBBM; Kampanya naman ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan sa bansa, kinilala

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapapanagot ang mga tiwaling pulis at mahaharap sa kaukulang parusa.

Sa ika-123 police service anniversary, nagbilin si Marcos sa mga pulis na manatiling disiplinado, patas at walang tinatago.

Samantala, pinuri ng Pangulo ang kampanya ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan sa bansa.

Nagampanan aniya ng PNP ang kanilang ang commemoration theme na “Sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, Ligtas ka.”

Read More:  DSWD meets TNCs for assistance rollout

Binigyang pagkilala ni Marcos ang ginagawang patrol operations ng PNP at mas malaking police deployment na nagresulta anya sa mas mababang crime rates partikular na sa crime-prone areas.

Kasunod nito, pinuri ng Pangulo ang bagong mukha ng kampanya laban sa iligal na droga kung saan sa ngayon ay inilarawan nyang makatao at hindi na madugo.

Samantala, bago ang programa kanina, ipinresenta ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil kasama si DILG Sec. Benhur Abalos Jr. kay Pangulong Marcos ang
mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng mga bagong sasakyan, baril at iba pang gamit ng PNP

Read More:  DOH allays public fears over hantavirus threat

Kabilang sa mga bagong kagamitan ng PNP ay 20 units ng Personnel carrier 4×4, 299 units ng Light motorcycle, 193 units ng Light Transport Vehicle , 75 units ng Patrol Jeep at 155 units ng 5.56 mm light machine gun.

Pinondohan ang mga ito ng PNP ng kabuuang na 553, 342, 820 pesos.