Pagpapapako sa Krus sa City of San Fernando, ibabalik

Matapos ipagpaliban ng tatlong taon dahil sa pagtama ng COVID-19, muling ibabalik ang dinarayong cruxificion o ang pagpapapako sa krus ng mga namamanata tuwing Mahal na Araw sa City of San Fernando.

Bukod sa sikat na dinarayong Barangay ng San Pedro Cutud, inihahanda na rin ng mga namamanata ang kanilang mga cruxificion sites sa barangay San Juan at Sta Lucia.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Tinitingnan na rin ng executive committee na magkaroon ng cruxificion sites sa barangay Sta. Teresita at San Jose.

Isa pa sa ikinokonsidera ng City government ang pagbabalik sa “Tira Bakal” sa Barangay Juliana.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Isa itong paraan ng pamamanata na hango sa krusada ni Hesus Kristo patungo sa cruxificion site.

Sa kasalukuyan, nagkaroon na ng site visits ang executive committee hinggil dito at inihahanda na ang kanilang mga kinakailangan.