Pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa mga pulis pinaalala ni PNP Chief Azurin

NAGA CITY- Pinaalalahanan ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang mga personahe ng Naga at Camarines Sur PNP na huwag malilihis ng landas o huwag gagawa ng labag sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Ito ay kabilang sa mensahe ni Azurin sa kaniyang command visit sa Camarines Sur Police Provincial Office sa Naga City. Ayon sa opisyal ang mga maling ginagawa ng pulis ay nagdadala sa kawalan ng tiwala sa buong organisasyon.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Aniya sa kaniyang pagtingin ay maayos naman ang relasyon ng publiko sa kapupulisan sa lalawigan na sana aniya ay mapanatili.

Dapat aniya ang nasa isip ng mga residente ay naririyan ang malasakit ng pulis.