Pagpapamilya, dapat planuhin ayon sa isang Rural Health Physician

Napakahalaga umano ng Family Planning o pagpaplano ng pamilya ayon kay Dra. Ma. Teresa Wycoco, isang Rural health Physician sa Puerto Princesa City.

Sa programang Tira Brigada, sinabi nito na kailangang planuhin ito ng mabuti para sa malusog na mga miyembro.

Read More:  Baby girl found dead in river in Kiamba

Nakadepende umano sa lagay ng kalusugan ng isang ina ang angkop na family planning method.

Ipinagdiinan nito na mahalaga ang pagpapa-konsulta ng nanay sa mga nurse at midwife upang ito ay mapayuhan ng angkop na pamamaraan ng pagpaplano.

Read More:  Man leaves suspected explosive before blast at Legazpi STL outlet

Kaugnay nito, hinihikayat ni Dra. Wycoco ang mga ina na pumunta sa mga health center upang mapayuhan ng tamang hakbang sa pagpapamilya.