Pagpapaliban ng barangay at SK elections, lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa Kamara

Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang layong ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa botong 264 yeses, anim na tutol, at tatlong nag-abstain – lumusot na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 4673 – ang consolidated bill para sa dose-dosenang mga panukalang inihain sa Kamara para sa pagpapliban ng BSK elections.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ililipat ang halalan sa unang Lunes ng Disyembre sa susunod na taon.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Matatandaaang 2018 pa nang huling magsagawa ng barangay at Sangguniang Kabataan elections matapos mapagpaliban ng dalawang beses.
#