Pagluwag mula sa COVID restrictions, hudyat sa pag-unlad ng turismo sa Albay

LEGAZPI CITY – Siniguro ng Albay Provincial Tourism and Cultural Arts Office (PTCAO) na simula na ng pag-unlad ng turismo sa lalawigan ng Albay sa oras na tuluyan nang lumuwag ang COVID restrictions.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dorothy Colle ng PTCAO, makakapaghikayat na ng maraming mga turista upang mag-ikot-ikot sa Albay dahil hindi na gaanong mahigpit ang restrictions.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala, idinagdag niyang gusto nilang maibalik ang panahon noong wala pang pandemya, kung saan umabot sa 5% increase o katumbas ng 1.3 milyong katao ang tourism arrival noong taong 2019.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya, target nilang maibalik ang 2-3% increase ang tourist arrival sa susunod na taon ngunit magkakaroon ng caution. Uunti-untiin umano ang magiging proseso nito dahil hindi pa naman idinedeklarang COVID-free ang bansa.