Paglobo ng parking fees sa NAIA, sinita ng isang kongresista

Umalma si House Assistant Minority Leader Arlene Brosas sa nakabibiglang pagsipa ng parking fee sa Ninoy Aquino International Airport matapos ang takeover ng San Miguel Corporation sa operasyon.

Ayon kay Brosas, wala pa mang nakikitang pagbabago sa paliparan ay nauna nang lumipad ang singil sa mga pasahero.

Pag-atake aniya ito sa mga manggagawa at pasahero na umaasa sa NAIA para sa kabuhayan at pagbiyahe.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Iginiit ni Brosas na ang nakadidismaya ipinatupad na agad ang taas-singil gayong hindi pa napagaganda at naaayos ang serbisyo sa NAIA.

Sa bagong fee structure ay 50 pesos na ang sisingilin sa mga kotse sa unang dalawang oras at 25 pesos sa susunod na oras at ang overnight parking ay lolobo na sa 1,200 pesos.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ipinunto ng kongresista na lubhang maaapektuhan ang mga nagtatrabaho sa NAIA dahil 225 pesos kada araw ang average na babayaran nila para sa walong oras na shift habang ang mga pasaherong may naka schedule na 4-day, three night trip abroad ay aabot na ng 4,800 pesos.

Dagdag pa ni Brosas, ang NAIA ay isang public infrastructure na dapat ay nagsisilbi sa mamamayan at hindi pinagkakakitaan.