Paglalayag sa mga karagatang sakop ng lalawigan mapanganib pa rin dahil sa nakabanderang gale warning ayon sa PCG

CAMARINES NORTE- Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa mga karagatan sakop ng Camarines Norte dahil sa nakabanderang gale warning ng Pagasa.

Batay sa Sea Travel advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station ngayong umaga,  strong to gale force winds dahil sa surge ng Northeast Monsoon ang makakaapekto sa karagatang sakop ng probinsiya.

Asahan umano ang maalon hanggang sa napakaalong kundisyon ng karagatan na may taas ng alon na mula 2. 8 hanggang 4. 5 meters.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Alinsunod sa isang Memorandum Circular patungkol sa Movement ng mga sasakyang pandagat, hindi ligtas na maglayag ang mga bangkang 250 G.T. pababa kapag ganitong panahon

Habang ang mga mas malalaking Bangka naman ay inaalerto sa malalakas na alon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mababatid na mahigit isang linggo nang nakabandera ang gale warning sa lalawigan kaya’t labis ng apektado ang kabuhayan ng maraming mangingisda.

Bunsod nito tumaas din ang presyo ng isda dahil kakaunti ang nakakapalaot.

Samantala, patuloy naman ang monitoring ng PCG kaugnay sa Oplan Biyaheng ayos ng Department of Transportation na magtatapos hanggang bukas.