Pagkamatay ng alagang aso sa Roxas, ikinaalarma

Ikinaalarma ng mga residente sa Purok Sambuton Bgy. 3 Roxas, Palawan ang sunod-sunod umano pagkamatay ng kanilang mga alagang aso.

Ayon sa isang residente, tila nilason ang kanilang alaga dahil bigla na lang ito natumba at bumula ang bibig.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dagdag pa nito, sa kanilang Purok lamang nila umano ito nangyari.

Agad naman nakipag-ugnayan ang brigada sa tanggapan ng Barangay ngunit ayon kagawad Ronald Miraflores ng Comittee ng Peace and Order, wala umano silang natatanggap na report tungkol sa insidente.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Gayunpaman, maaring sa klima ng panahon ang dahilan ng pagkamatay ng ilang aso, ayon sa Municipal Agriculture Office.

Samantala, gagawa agad ng aksyon ang pamunuan ng Barangay kung magpapatuloy ang insidente.