Paghahanap sa Pilipinong nawawala sa barkong inatake ng Houthi sa Red Sea – nagpapatuloy

Tuluy-tuloy pa rin ang paghahanap para sa isa pang nawawalang Pilipinong tripulante sa MV Tutor – ang barkong inatake ng Houthi Rebels sa Red Sea.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac – uumpisahan ang paghahanap sa mismong engine room ng barko.

Read More:  PSC Chair Gregorio: Where’s Tab Baldwin?

Posible raw kasing naririto ang nawawalang Pilipino at tinitingnan din nila ang anggulong baka napilitan itong magtrabaho sa mga rebelde.

Read More:  Possible armed group may target Senate, Gatchalian says

Nangako na rin aniya ang shipowner na ‘di nila ihihinto ang search operations.

Maaalalang kamakalawa nang makabalik na ng bansa ang 21 mula sa 22 Pilipino na sakay ng barko.