CAMARINES SUR – Naniniwala ang ilang mag-aaral sa Goa, Camarines Sur na dapat pang tutukan ng Gobyerno ang paggawa pa ng mga scholarship program o plano sa Edukasyon at nais rin nilang marinig sa mangyayaring State of The Nation ni Presidente Ferdinand Marcos Jr, mamaya.
Ayon kay Angela Rentoria Patoc, mula Brgy. Catagbacan, at incoming Grade 12, marami pa rin ang mga batang hindi nakakapag-aral maging mga kabataan dahil sa kasalatan sa buhay, dahil hindi kayang matustusan ng magulang. Edukasyon pa rin kasi ang kailangan para magkaroon ng magandang trabaho, gumanda ang buhay, at paghubog sa karakter ng mga kabataan lalo na sa panahon ngayon.
Sinabi naman ni Angeline Patoc Corporal, mula rin ng Catagbacan, Grade 11, kasama sa pagpapa-unlad ng edukasyon ay ang pag-aayos rin ng mga paaralan.