CAMARINES SUR – Ilang aspiranteng kandidato sa unang araw ng pagfile ng Certificate of Candidacy, ay inaasahan na ng Commission on Election Sipocot, Camarines Sur, kung saan bago pa man dumating ang araw na ito, una nang namigay ng prescribe form mula sa opisina sa mga posibleng tatakbo sa darating na eleksyon.
Ayon kay Cris Plopinio, Election Officer ng COMELEC Sipocot, iniiwasan kasing mangyari muli na ilan sa mga aspirante nakatanggap ng maling form kaya nagkaproblema sa pagfile ng COC na umano’y gawa rin ng ilang kalaban, kaya ngayon minabuting sila na ang naghatid ng mga form base na rin sa kanilang listahan, na sakali mang may pagbabago imomonitor pa rin nila at dapat mismo ang isang aspirante ay ipaalam ang pagbabago, maging ang iba pang kailangan ay nasabe na rin nila.
Ngayon sakali mang may magfile, na hindi pa kompleto, hindi rin nila tatanggapin at tutulong ring matugunan ang ibang kailangan pa lalo na ang personal na impormasyon.
Salamatala, natapos ang pagpaparehistro sa voter’s registration kahapon nang mapayapa at posibleng umabot ng 45,000 ang rehistrado na sa bayan.