Pagdagsa ng mga turista ngayong Holy Week at Summer Season pinaghahandaan na ng Camarines Norte Provincial Tourism Office

CAMARINES NORTE- Pinaghahandaan na ng Camarines Norte Provincial Tourism Office ang pagdagsa ng mga turista sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong darating na holy week at summer season.

Ngayon pa lamang ay ina- anticipate na umano ng kanilang tanggapan ang pagdagsa ng mga turista lalu na sa Calaguas Island at iba pang mga kilalang tourist destination sa probinsya

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Sa isinagawang 1st Quarterly Meeting for 2022 ng Camarines Norte Tourism Officers Association (CNTOA), tinalakay ang mga key agendas partikular na ang magiging paghahanda ng mga Municipal tourism Office sa pagdating ng mga turista sa kanilang lugar

Bukod pa rito ay pinaghahandaan rin ng PTO ang pinakaaabangang Bantayog Festival 2022 sa lalawigan na ipagdiriwang ngayong buwan ng Abril  matapos maudlot ng dalawang taon ang selebrasyon nito dahil sa nararanasang pandemya

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa kabila ng Alert level 2 status pa rin ng Camarines Norte ay bukas na sa mga turista ang probinsya sa pinakahuling Executive order na ipinalabas ng Pamahalaang Panlalawigan

PHOTO: Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office