NAGA CITY- Pinangunahan ni Vice President , Department of Education Secretary Sara Duterte ang pagbubukas ng Lipata , Elementary School sa Barangay Gogon, Caramoan Camarines Sur.
Ang paaralan ay nabibilang sa “last mile school”. Pinakamakalayo sa bayan at walang classrooms noon.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Teacher-in-Charge Windel Alvarez pinasalamatan nito ang lahat ng sumuporta; Yellow Boat of Hope Foundation na partner ang opisina ni dating Vice President Leni Robredo, gayundin kay dating DepEd Sec. Leonor Magtolis Briones, Regional Director Gilbert Sadsad, SDS Loida Nidea at iba pang opisyal pati na ang kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si VP Duterte.
2017 nang magsimula ang pangarap ni Alvarez, kapwa guro, mag-aaral at mga magulang. Si Alvarez ay napabilang sa sa Top 50 Global Teacher Prize 2020 sa sakripisyo at malasakit.
Ang dalawang unit ng gusali ay binubuo ng anim na classroom, nagbigay din ang kagawaran ng mga upuan at lamesa para sa mga mag-aaral. Mayroon ding ipinamahaging bags at relief goods ang tanggapan ni Duterte.
Ipinagpapasalamat nina Alvarez ang mas komportableng venue sa pag-aaral, nangako ang VP at ang Provincial Government ng Camarines Sur ng suporta sa gagawing integrated high School.