Pagbasura sa DOJ petition, magandang hakbang para matigil na ang red-tagging – Makabayan

Naniniwala ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc na isang magandang hakbang ang ginawa ng Manila court na pagbasura sa petisyon ng Department of Justice (DOJ) na pinadedeklarang teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Sa joint statement nila Deputy Minority Leader ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, sinabi nila na isang ‘breakthrough decision’ ang ginawa ng korte upang tuluyan nang matigil ang umano’y red-tagging at terrorist-tagging ng mga ahensya ng gobyerno at ng mga law enforcement forces.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Bukod dito, sinabi pa ng mga mambabatas na magbubukas din ang hakbang na ito para sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Naniniwala sila na isa sa mga pinagbatayan ng korte sa naturang desisyon ay ang paniniwalang mga alegasyon lamang talaga ang ipinaparatang sa CPP-NPA ukol sa political crime of rebellion at hindi terorismo.
RELATED STORIES: Korte, binasura ang petisyon ng DOJ na pinade-deklarang mga terorista ang CPP-NPA