Pagbabakuna sa Upland Barangays ng Tabaco City nagsimula na

LEGAZPI-Magsisimula ng ngayong araw ang dalawang araw na schedule para sa pagbabakuna ng Covid-19 Vaccine sa lahat ng Upland barangays sa Tabaco City, Albay.

Sa pinalabas na impormasyon ng Rural Health Unit, 14 na upland barangays ang naka-scedule sa dalawang magkahiwalay na petsa.

Read More:  Woman found dead inside refrigerator in Rizal identified; Police name boyfriend as person of interest

Kasama ang barangay San Antonio, Magapo, Basagan, San Vicente, Oson, San Isidro, Bantayan, Sua Igot, Quinastillojan, Buhian, Bonto, Tabiguian, Oras, at Barangay Buang.

Ang nasabing dalawang araw na pagbabakuna ang isasagawa ngayong araw at ipagpapatuloy sa darating na lunes, Setyembre 27.

Read More:  17-year-old student dies after school incident in Bukidnon

Samantalang nilinaw rin nito na ngayong araw prayoridad na mabakunahan ng Pfizer ang mga Senior Citizens sa San Antonio Covered Court.

Maaari lamang umano na makipag-ugnayan sa kanya-kanya nilang barangay officials, NDP, midwife at BHWs para sa isasagawang vaccination.