SORSOGON CITY – Binuksan na ang pagbabakuna sa A4 at A5 priority group na matagal nang hinihintay ng mga Sorsoganon habang naitala naman ang aabot na sa 111, 415 na Sorsoganon na nabakunahan na, kabilang dito ang mga nabakunahan ng unang dose.
Sa A4 category ay may 2, 144 pa lang na nabakunahan ng kanilang first dose habang sa A5 group ay aabot pa lamang sa 490.
Ibinahagi sa mga ito ang mga bakunang Sinovac, Astrazeneca, Moderna at Pfizer.
Ang A4 priority group ay kinabibilangan ng frontline personnel na nasa ‘essential sectors’ kasama na ang mga uniformed personnel habang ang A5 naman ay kinabibilangan ng indigent population.

