Pag-rescue sa mga biktma ng lindol sa China, pahirapan

Matapang na hinarap ng mga rescuer sa China ang sub-zero na temperatura sa paghahanap at paggamot sa mga nakaligtas ng indibidwal matapos makaranas isang malakas na lindol ang northwestern Gansu province.

Ayon sa mga naunang ulat, marami pang natrap sa ilalim ng mga durog na bato, na naka-expose sa negative 10 Celsius.

Dahil dito, nanganganib ang mga indibidwal sa pagkakaroon ng hypothermia at maaari lamang makaligtas sa pagitan ng lima hanggang 10 oras.

Napinsala ng magnitude 6.2 na lindol ang mga kalsada at linya ng kuryente at tubig, mahigit 150,000 bahay, at nagdulot ng landslides at mudslides.

In-activate na rin ng pamahalaan ang emergency responses sa iba’t ibang ahensya ng bansa upang magpadala ng libu-libong tauhan sa mga apektadong areas.