Pag-isyu ng tricycle franchise sa bayan ng Gubat, tigil muna

Hindi muna mag-iisyu ng tricycle franchise ang LGU Gubat.

Ayon kay Committtee on Transport Chairman Councilor Mark Anthony Flestado, pangunahing dahilan nito ay dahil sobra na sa dapat na bilang ng mga tricycle na namamasada sa nasabing bayan ang bilang ng mga franchise holder.

Base kasi umano sa pag-aaral na ginawa ng National Economic and Development Authority o NEDA at sa kanilang pagkunsulta sa mga kinauukulan, 900 lamang ang ideyal na bilang ng mga tricycle na dapat na tumatakbo sa nasabing bayan subalit umabot na umano ito ngayon sa 1852, rason upang magpatupad na ng coding system.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Umaasa naman ang opisyal na sa pamamagitan ng pagsuspende sa pag-isyu ng tricycle franchise ay magiging maayos na ang mga TODA sa bayan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, inihayag naman ng opisyal na batay sa ordinansa bawal ipagbili ang mga tricycle franchise kung saan kapag namatay ang may-ari ng prangkisa ay otomatikong malilipat ito sa immediate family ng namayapang franchise holder.