Binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa Philippine Business Forum sa Australia ang pangangailangan na maamyendahan ang ilang economic legislation sa bansa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na sa bagong mundo at bagong ekonomiya, hindi lang anya ang business, private at finance sector ang kailangang mag adjust kundi pati na rin ang legislative sector upang magawa ang kinakailangang structural changes upang maka adjust sa bagong pandaigdigang ekonomiya matapos ang pandemya.
Kabilang dito ang pag amyenda sa Public Service Act, the Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Act, at ang Renewable Energy Act.
Kasama ng pinahusay na negosyo, pagpapaunlad ng imprastraktura, at Comprehensive Tax Reform Program o ang CREATE Act.
Ipinunto ng Presidente na ang mga repormang ito ang magpoposisyon sa Pilipinas bilang isa sa fastest-growing economies in Asia.
Kasabay nito hinimok ni Pangulong Marcos ang mga Australian businesses na maglagak ng kanilang negosyo sa bansa.