Pag-alis ng Miss Universe Philippines sa height requirement, pinuri ni Miss Australia 2020

Inalis na ng Miss Universe Philippines ang height requirement para sa mga kandidata at mukhang hindi lang ang mga Pilipino ang naging masaya para sa nasbaing announcement.

Noong Lunes, ay inanunsyo ng MUP organization na ang kwalipikasyon para sa mga gustong maging beauty queen.

Read More:  MMFF 2026 completes official eight-film lineup with final four entries

Ikinagulat ng marami na hindi na kasama rito ang minimum height standard.

Nakarating ito kay Miss Universe Australia 2020 Maria Thattil, na nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa Instagram.

Mababasa sa post ni Thattil, “Woke to the great news that @themissuniverseph removed the height requirement in the @missuniverse competition..”

Read More:  Wilbert Ross shuts down rumors linking him to designer Paul Cabral: ‘Jusko, lahat na lang’

Umaasa naman ang 5 foot 3 beauty queen na susunod ang iba pang national organizations sa hakbang ng Miss Universe Philippines.

Iginiit ni Thattil na hinimok rin siya noon ng Miss Universe Australia na huwag isipin na balakid ang kanyang mababang height sa pagkamit ng kanyang pangarap.