Pabahay para sa 700 pamilya sa Pampanga, sinimulan ng ipamigay

Ibinigay na ng Pampanga Provincial Government ang unang sampung bahay sa mahigit 700 pamilya na nawalan ng tahanan matapos silang paalisin sa gilid ng ilog sa 25 barangays ng Lubao.

Read More:  Philippine Eagle Foundation urges public to protect Philippine Eagles

Ito ay alinsunod raw kasi sa mandato ng Korte Suprema na linisin ang Manila Bay.

Samantala, ang ibang pabahay ay nasa ilalim pa rin ng proseso ng Lubao Resettlement ng National Housing Authority sa San Pablo Dos.

Read More:  Ambulance caught carrying ₱1.08 million smuggled cigarettes in Lanao del Norte

Samantala, maliban sa pabahay mula sa National Housing Authority o NHA, magbibigay din umano ng tag-limang libong piso ang kapitolyo sa bawat pamilyang benepisyaryo.