P9.3M , naipautang na sa ilalim ng business stimulus program sa Naga City

NAGA CITY- Business Hub man ang Naga City, labis din itong naapektuhan ng krisis  dala ng COVID-19 Pandemic. Gayunpaman inaalalayan ng City Government ang mga maliliit na negosyo upang makabangon.

Sa record ng Metro Naga Public Employment Service Office (Metro PESO) na isinapubliko ni Mayor Nelson Legacion makikitang umabot na sa 149 na mga negosyo na mayroong 488 lahat na mga empleyado ang natulungan sa naturang programa. Sa panghalatan umabot na sa P9.3M ang perang naipautang ng City Government.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur
Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang programa ay parte lamang ng mga istratehiya ng lokal na pamahalaan, mayroon pang Tabang Tugang kung saan P5,000 ang pautang na walang interes sa mga nawalan ng trabaho at may 10-days temporary work sa ilalim ng Community Employment Program.