P70-milyon Roxas Boulevard Promenade, napirmahan na

Tuloy na tuloy na ang pagsasagawa ng Roxas Boulevard Promenade sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City.

Ito ay matapos mapirmahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Reclamation Authority (PRA) ang kasunduan tungkol sa pagsasagawa ng 800-meter linear park sa nasabing lugar.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kaugnay nito, binigyang-linaw naman ng MMDA na bagamat sa kanila manggaling ang pondo sa pagpapatayo nito ay tutulong naman ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa pagme-maintain, pag-aalaga at pagpapaganda pa lalo ng Roxas Boulevard Promenade.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Samantala, inaasahan namang matatapos ang konstruksyon nito bago ang paparating na pasko.