P66.2B pondo, hiling ng DOH para mabayaran ang health emergency allowances

Humiling ang Department of Health (DOH) sa Department of Budget and Management (DBM) ng halagang P66.2 bilyon para mabayaran nang buo ang health emergency allowances (HEA) para sa mga healthcare worker.

Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Carolina Vidal-TaiƱo na ang kabuuang kinakailangan ng HEA mula 2021 hanggang 2023 ay umabot sa P113 bilyon pero P46.8 bilyon o 41% ng requirement lamang ang inilabas ng DBM noong 2022 kaya kinakailangan pa ng P66.2 billion.

Nanawagan naman Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa mga kapwa mambabatas na huwag aprubahan ang isang panukala kung wala itong pagkukunan ng pondo.

Samantala, ang mga benepisyo para sa mga frontline workers na nagserbiyo noong kasagsagan ng COVID-19 ay ibinigay sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *