NAGA CITY –Ipinatawag sa regular session ng konseho ng Naga City kahapon si Ernesto Elcamel, Chief ng City Disaster Risk Reduction Managament Office at inilatag niya ang mga nakatakdang mga projects na nakapaloob sa P64 million pesos na approved budget ng kanilang opisina ngayong taong 2024.
Batay sa kanyang paliwanag, nakasentro ito sa mga infrastructures projects laban sa anumang epekto ng pagbabaha tulad ng pagpatayo ng ilang mga evacuations at event centers sa mga barangay na binabaha , pag manage ng National Irrigation Administration (NIA)-flood gate na nasa boundary ng Magarao-San Felipe area.
Sa kanya namang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Elcamel na matagal ng napabayaan ang naturang flood gate kaya kung nagkakaroon ng pagbabaha ang tubig diretso sa Barangay Calauag.
Nakipag-ugnayan na rin sa kanilang opisina ang City Agriculturist Office bilang paghahanda sa paparating na El Niño sa susunod na buwan na tiyak makakaapekto din sa sector ng agrikultura.