P60M pondo inilaan ng PhilMech para sa pagbili ng rice mill at mechanical driers

Magbababa ang National Government ng pondong nagkakahala ng mahigit-kumulang P60M sa lalawigan ng Sorsogon para sa pagbili ng mga makabagong ekepahe sa pagsasaka partilkular na ang mga rice mill at mechanical driers, ito ang kinumpirma ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH).

Sa panayam ng Brigada News kay Danilo Gamalog Senior Science Research Specialist ng ahensya, sinabi nito na tatlong bayan ang tatanggap ng nasabing mga ikipahe; ito ay ang bayan ng Gubat, Juban at Castilla at bawat isa ay mabababaan ng tig- iisang rice mill na nagkakahala ng P11M at tig- dadalawang mechanical driers na nagkakahala naman ng mahigit-kumulang P3M bawat isa na inaasahang maibaba ngayong taon oras na matapos na ang mga kinakailangan dokumento.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City
Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Naniniwala ang opisyal na malaki ang maitutulong nito sa pagkontrol sa Postharvest losses ng mga sakahan sa lalawigan at pagkakaroon ng mas magandang kalidad ng palay.