P5.6-M na halaga ng sigarilyo kinumpiska sa Sulu

Nasamsam ng pulisya ang mga imported na sigarilyo sa probinsya ng Sulu.

Natagpuan ng mga pulis ang 97 kahong na naglalaman ng mga sigarilyong may iba’t ibang Indonesian brands sa isang imbakan sa naturang lugar.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region director, Prexy Tanggawohn, isang lalaking tagapag-alaga ng kontrabando ang  nahuli para sa imbestigasyon.

Sinabi ni Tanggawohn, ang lider ng komunidad ang nagdala sa mga pulis sa lokasyon  ng P5.6 milyong imported na sigarilyo, na ipapamahagi sa mga retailer sa Patikul at kalapit na bayan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Noong 2023, mahigit sa P200 milyong halaga ng mga sigarilyo mula Indonesia ang nakumpiska ng mga unit ng pulisya sa Sulu sa sunud-sunod na mga anti-smuggling operation.

Giit pa ni Tanggawohn, ang mga nakumpiskang sigarilyo ay ituturn-over sa Bureau of Customs para sa karampatang disposition. (BRIGADA NEWS INTERN-JHALDEA RULONA)