Nilagdaan ng senate at house panel ang Bicameral Report kaugnay sa P5.26-trillion na 2023 National Budget sa isinagawang bicameral conference ngayong umaga sa Manila Golf and Country Club sa Makati City.
Pinanganuhan nina Finance Committee Chairman Sen Sonny Angara at House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co ang pulong ng dalawang kapulungan para planstahin ang mga disagreeing provisions ng pambansang pondo.
Ayon kay Angara kabilang sa mga ahensiya na nagkaroon ng dagdag sa pondo sa ilalim ng bicam version ng national budget ay ang Education Sector, Infrasture, pati na ang mga pondo ng DOJ, DILG, at Supreme Court.
May ilang mga ahensiya din umano binawasan ng pondo at inilipat sa ibang mga programa.
Dagdag pa ng senador na kasama pa rin sa budget ang libreng sakay pati na ang iba pang social services program katulad nang pagpapatayo ng mga malalaking ospital ,libreng tuition, at iba pang programa na inaasahang makakatulong sa pagbangon ekonomiya ng bansa.
DEPED, NTF-ELCAC BUDGET CUTS, BINAWI
Nagkasundo rin ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na ibalik ang tinapyas na confidential fund ng Department of Education.
Ayon kay Angara balik sa P150 Million ang confidential ng DepEd na unang nabawasan ng P120-million sa version ng 2023 budget na ipinasa ng senado.
Sa senate version kasi ng 2023 General Appropriations Act, inilipat ang P100 million mula sa P150-M na CIF sa maintenance and other operating expenses (MOOEs) ng DepEd habang ang P20-Million naman nito ay ni-nare-allign din.
Una nang kinuwestiyon ng minorya sa senado ang paglalaan ng condidential funds sa DepEd na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, dahil mas maraming mga programa na pwedeng paglaanan ng naturang pondo.
Maliban sa CIF, inihayag din ni Angara na ang NTF-ELCAC budget para sa 2023 ibinalik sa P10-Bilyon.
#
